Showing posts with label sketch. Show all posts
Showing posts with label sketch. Show all posts

Monday, August 15, 2016

The Cavalry


Agent Melinda May (B pencil)

Agent May is one of my favorite character(aside from Coulson) in the TV series Marvels Agents of S.H.I.E.L.D. One thing I love her personality is her genuine loyalty to S.H.I.E.L.D. and to her comrades. She is one of the great asset of the team despite of her quiet personality but her mastery in martial arts and acrobat is indeed reliable during inevitable encounters. So, next time you encounter her, be nice or else she will not hesitate to kick some asses.


Monday, August 8, 2016

Mother Mary

(2B pencil)

Ginawa ko ito ng minsang mawalan ng kuryente dito sa tinitigilan kong boarding house sa lipa. Hindi pa man ako ganoong kagaling sa larangang ito pero natutuwa ako dahil ramdam ko na nakangiti ang Mahal na Ina ng matapos ko ito. Hindi man kasingganda ng aking guhit ang kanyang Ubod Linis na kagandahan ay naniniwala ako na ipinagmamalaki ako ng Mahal na Ina. Ang lagi ko lamang hiling at dalangin sa kanya ay ang kanyang paggabay sa akin, sa aking pamilya at mga kaibigan sa araw-araw. at ang kanyang Maka- Inang pagmamahal sa mga pagkakataon na para bang ayaw ko na.


Thursday, August 4, 2016



Ang guhit na ito ay ginawa ko bilang isang regalo sa aming Kura-paroko sa Parokya ng San Vicente Ferrer Tuy, Batangas sa nakatapos niyang kaarawan noong Ika-22ng Hunyo. At dahil ngayong araw ring ito ay ang araw ng mga Pari sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Maria Vianney, Patron ng Lahat ng mga Pari ay gusto kong ibahagi ang aking isang simpleng likha.

Lubos ko ring ipnagmamalaki ang paghanga ko sa aming Paring ito dahil sa kasimplehan nito at ang kababaang-loob. Siya rin ang isa sa mga patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa akin upang lalo pang pagsikapan na pangalagaan ang aking bokasyon bagama’t ako ay pansamantalang nasa labas ng bahay pormasyon.

At para sa lahat ng mga pari at mga tagahubog ng mga nagnanais sumunod sa yapak ng Panginoon ay patuloy pa rin an gaming dalangin na lalo pang mag-alab ang kanilang pagnanais na makapaglingkod a Diyos at sa tao.


(My Birthday gift for Rev. Fr. Jing Buensalida)


Tuesday, August 2, 2016


I made this sketch as a special gift to a friend last December. She was the only daughter of my boss in a firm. A very playful and energetic lad which will make you think on where she is getting all those energies. She loves legos and guns though she was a girl. maybe she want to be a policewoman someday. Her name was Jaja.


Thursday, July 28, 2016


Siya si Aneth. isang napakagandang bata na nakilala ko sa isang parokya na aking tinigilan ng mahigit tatlong buwan isang taon lang ang nakakalipas. Napakamasayahing bata ni Aneth at napakagaling kumanta, mana sa kanyang ama na soloista sa simbahan. 

Subalit sa ngiting ito ay may natatagong kakaibang kwento. Isang malungkot na realidad na dinaranas marahil ng maraming musmos sa panahon ngayon. sa kwento ng kanyang ama, nakipaghiwalay ang kanyang ina at sumama sa ibang lalaki. Ngunit kahit ganoon ang nangyari ay minabuti pa rin ng kanyang ama na bigyan ng pagkakataon na makita at makapiling ng kanyang ina si Aneth kung naisin nito.Nag-uusap silang mag-ina, nagkakamustahan. subalit hindi na katulad ng dati. Medyo malaki na ang agwat nila dahil sa murang edad pa lamang ay alam na ni Aneth ang pakiramdam ng maiwan at ang ibig sabihin ng hindi "Buong Pamilya."

Nang minsang nakikipag-usap ako sa mga katekista tungkol sa mga pangyayari tuwing kasalan ay narinig kami ng batang si Aneth at sinaway kami na huwag daw naming pag-usapan iyon. nang tanungin namin siya kung bakit ay sinabi na lamang niya na ayaw niyang mag-asawa. Dala ng pagkagulat ay wala na kaming nasabi kundi ang katahimikan na lamang ang siyang aming naging tugon.

Masakit na karanasan at mapait na katotohanan. Sa pagkakamali ng magulang ay bakit ang mga bata ang nagdurusa? Bakit kaya sa paghahangad nating mga tao lalo na tayong mga nakakatanda na magkaroon ng mas masayang pamilya kahit na maisakripisyo ang pamilya ay ang mga anak ang sumasalo ng ating mga pagkakamali? Ilan kayang pangarap ang napawi ng pagkakataon at ilan na kayang ngiti ang natakpan dahil sa pagiging makasarili natin?

???

...


Wednesday, July 20, 2016


Nais ko lang balikan ang pangatlo sa aking mga naiguhit at isa sa mga paborito ko. ito ay imahe ni Sta. Teresita ng Batang si Hesus. ito ay ginamitan ko lamang ng 2b na lapis kaya hindi pa masyadong pulido ang guhit. subalit ganon na lamang ang aking kasiyahan sa tuwing bibisitahin ko ang guhit na ito sa aking sketch pad dahil parati nitong pinapaalala sa akin na kahit ang kalyo at mabigat na kamay na ito ay makalilikha rin pala ng isang simpleng Obra.



Tuesday, July 5, 2016

Rev. Fr. Eugene Peñalosa III
This is my second sketch which was dated on the 1st of October, 2015. It was though not obviously Fr. Eugene Peñalosa III but it is. Maybe I’ll try t be good in sketching next time. He is currently serving as the Parish Priest of St. Therese of the Child Jesus at Talisay, Lipa City. Kura is a very cheerful and very supportive priest who keeps on inspiring me and showing me how it was to be a Shepherd to his sheep through visible acts of generosity. Siya yung tipo na lubos na pinapahalagahan ang Banal na Misa kaya hindi niya alintana ang pagod at puyat basta makapagmisa lamang. Siya rin yung madalas dumalaw sa mga burol ng mga taong nasasakupan ng kanyang parokya upang makiramay maging Katoliko man ito o hindi. That is why I have so much respect on him. He was like a thoughtful father who would send you simple message of inspiration even thru text or messenger and would later on ask you, " Kamusta na pre?".
I would also add him to my list of "Paring Idol" that maybe someday we could also be brothers in the Ministry.

Thursday, June 9, 2016

SAN JUAN PABLO II




































Hilig ko na ang magdrawing simula pa lang ng bata ako. Halos lahat ay panay cartoons at anime na ginagaya ko mula sa sikat na K-Zone magazine.

Nang mga panahong kami ay kapos na kapos sa pera na umabot sa punto na wala kaming pambaon sa school, pinagbebenta ko sa aking mga kaklase ang aking mga drawing sa halagang piso, dos hanggang limampiso kapag may kulay. Minsan ay tumatanggap ako ng mga gusto nilang ipadrawing.

Tandang-tanda ko pa yung kaklase ko na nagpadrawing sa akin ng Teletubbies dahil paborito niya ito. Ssshh! Nasa seminaryo na siya ngayon. Naalala ko rin nung napikon ako sa kaklase kong nangako na babayaran ako ng limampiso dahil ipinagdawing ko naman siya ng Harry Potter na nakasakay sa walis. May kulay pa rin ang isang iyon. Bukas niya raw babayaran. Pero kinaumagahan ay ibinalik niya sa akin ang aking drawing ko dahil xinerox niya ito. Mayroo nga pala silang xerox machine sa bahay. Asar na asar talaga ako nang araw na iyon sa kanya.

Hindi ako isa sa mga magaling na nilalang na biniyayaan talaga ng talento sa pagguguhit. Tama na sa akin na marunong ako at isa pa ay nalilibang ako.

Nawala na sa akin ang hilig na magguhit ng pumasok ako sa seminaryo. Bigla na lamang akong nahiya sa aking mga ginuguhit dahil napakarami palang talentadong seminarista. Naisip ko na baka pagtawanan lamang nila ang aking drawing.

Ngayong nasa labas  ako ng seminaryo pansamantala ay nakita ko na lamang ang aking sarili sa National BookStore na bumibii ng isang lapis at Sketch Pad.


Sinubukan ko ang aking mga kamay na gawin ang Sining na kung tawagin nila ay Sketch. at ito ang aking kauna-unahang nalikha:
             
(Ang aking kauna-unahang naiguhit noong ika-23 ng Oktubre, 2015)
Hindi ko man naabutan ang pamumuno ng Santo Papang ito ay alam ko sa aking sarili na napakalapit niya sa aking puso. Tanda ko pa noong maliliit pa lamang kami ay umuwi ang aming panganay na kuya dala ang balitang Patay na ang Papa. Wala pa akong muwang para malaman ang tungkol sa mga namumuno ng Simbahan pero may kaunting kirot sa akin na marinig iyon kahit na ang totoo ay hindi ko kilala ang tinutukoy ni Kuya.

Napakarami kong natutunan sa kanyang talambuhay at mga sinulat. hindi nga naman nakakapagtaka kung bakit napakarami ng sa kaniya ay lumalapit at humihingi ng tulong- at isa na ako sa mga iyon.

Hindi man naging kasing ganda ng buhay niya ang aking ginuhit, alam ko sa aking sarili na natutuwa siya dahil alam niya na isa siya sa aking mga pinagkakatiwalaan. na balang araw ay magiging kagaya ko rin siya.... Isang Santo!