Thursday, August 4, 2016



Ang guhit na ito ay ginawa ko bilang isang regalo sa aming Kura-paroko sa Parokya ng San Vicente Ferrer Tuy, Batangas sa nakatapos niyang kaarawan noong Ika-22ng Hunyo. At dahil ngayong araw ring ito ay ang araw ng mga Pari sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Maria Vianney, Patron ng Lahat ng mga Pari ay gusto kong ibahagi ang aking isang simpleng likha.

Lubos ko ring ipnagmamalaki ang paghanga ko sa aming Paring ito dahil sa kasimplehan nito at ang kababaang-loob. Siya rin ang isa sa mga patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa akin upang lalo pang pagsikapan na pangalagaan ang aking bokasyon bagama’t ako ay pansamantalang nasa labas ng bahay pormasyon.

At para sa lahat ng mga pari at mga tagahubog ng mga nagnanais sumunod sa yapak ng Panginoon ay patuloy pa rin an gaming dalangin na lalo pang mag-alab ang kanilang pagnanais na makapaglingkod a Diyos at sa tao.


(My Birthday gift for Rev. Fr. Jing Buensalida)


No comments:

Post a Comment