Tuesday, August 2, 2016

09:58 pm. Patapos na naman ang maghapon. How will I sum up my day? Hmmm... Hindi ganoon kaganda katulad ng inaasahan. Napakaraming tukso talaga. I feel hopeless. Parang, "Ano ba? I fell for it again?" Yun bang pakiramdam na nangako ka na sa sarili mo na hindi mo na ulit gagawin ang bagay na iyon pero wala ka ng choice kundi ang mahulog. Kundi ang magpadala sa tawag ng laman at ng isip. Pero lagi akong napapaisip, "Wala nga ba talaga akong choice o hinayaan ko ang sarili ko na mawalan ng choice?
10:48 pm. itinag ako ng kaibigan kong si Jerome sa isang post sa instagram. Nang magcomment ako, magpakita na raw ako sa kanila. Sabe ko lang naman ay kapag nakaluwag ako kasi napakarami ko pang kailangang tapusin. Unang-una gusto kong matapos yung module ko ng Altar Servers kasi alam kong marami ang makikinabang nito kapag natapos ko. Pangalawa ay hindi ako pwedeng basta-basta na lamang umalis dahil mayroon akong tutor dito sa Lipa. Dedicated naman ang Saturday and Sunday ko sa parokya. 
Parang nababalitaan ko na mag kakaroon sila ng reunion kung hindi ako nagkakamali. May part na gusto ko at may part din sa aking sarili na ayaw ko dahil kailangan kong dumistansya hanggat maaari. I need to resolved some issues on myself before anything else. And attending to them may not help it. (Butong-hininga) Bahala na. Napakarami pa ng araw.


No comments:

Post a Comment