Hindi ko rin alam kung saan ko kukunin ang pamasahe ko pauwi ng Tuy. Gusto kong makauwi para makatulong sa aming parokya. Kahit na ano ang marinig ko sa mga tao ay ayos lang sa akin. Cause this is the present and accepting what I have today will only let me work me without hesitation. Sabe nga ni kura, "Ipakita mo sa tao kung ano ka sa tama mong ginagawa at hindi para mapabulaanan lamang ang kanilang mga tanong sa iyo."
Thursday, August 4, 2016
02:47 pm. I don't have any penny left on me. At dahil wala na akong choice ay sinungkit ko na ang alkansya ng aking kakambal. Kumuha ako ng 10.00 para lang makabili ng kape. Hindi pa rin kasi ako nakakakain ng tanghalian. Nakatambay lang ako maghapon dito sa dormitoryo. Dumating naman kanina ang Tita Letty para makiusap na kung pwede ba raw na ipaggawa ko siya ng reviewer na pang grade VI kasi iisa pa lang naman ang aking tutor. No choice na ako kundi ang umoo kasi wala na talaga akong balak na ipaggawa ng reviewer ang tutor ko. Mano-mano ko na lamang sana siyang tututruan pero baka ito ang hinihingi ng pagkakataon para makabawi sa exam ang aking tinuturuan.
Labels:
journeys
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment