11:21 pm. I love writing on my Journal. Gusto ko yung may babalikan ka pag dating ng araw at masabi mo na, "Ah! Ganito pala kakulay ang naging buhay ko." Gusto ko kapag dumating ang araw na hindi na kasing tatag ng semento ang mga binti ko ay makita ko ang mga bagay na nagpatibay sa akin. Sa makatuwid, I want to see how life works on me. Yung bang sa mga pagkakataong mapait ang mga nangyayari ay napapatamis mo ito kahit sa ilang saglit lang katunayan na hindi ka handang sumuko.
May isang pari na nagsabi sa akin na imbes daw na isulat ko ay bakit hindi ko subukang ilagay ito sa blog. Makakatulong pa raw ako sa iba. Napaisip ako kung paano. Hindi naman ako ganoon kagaling magsulat. Katunayan pa nga ay sabog-sabog pa ang mga ideya ko. Ang mga grammatical errors ay nakaabang na sa tuwing magsusulat ako. Pero, hindi pala iyon ang mahalaga. It is how you open yourself not just for others but for many. Yang yung tunay na katapangan. yung hindi mo ginagawa ang mga bagay na ito para lamang makuha ang loob ng iba. Yung pagkakataon na you do the things you love most not because others will be glad seeing you doing those things but rather you really love doing those things. Nothing more.
Kaya naman heto ako, nililinang na maging matapang sa aking sarili at handa sa maging ano man ang makita ng tao sa akin. Kaya ikaw na nagbabasa nito, you are free to tell me what you want. Isip mo naman yan eh. Pero kung nais mo pa rin akong samahan sa "journey" ko, you are very welcome.
No comments:
Post a Comment