Saturday, July 9, 2016

Kwentong Sunog


Naranasan mo na bang masunugan? Well, ako naranasana ko na. Napakahirap nga pala talaga ng nasusunugan. Madalas masisisi mo ang sarili mo sa nangyaring iyon pero mayroon kang matututunan- kahit mahirap. Kahit masakit.

Kahapon, late na kaming bumangon ng aking kapatid. Ginising niya ako upang magluto ng aming makakain. Kadalasan naman ay ako na ang nagsasaing sa umaga sapagkat maghahanda naman ang aking kapatid sa pagpasok dahil isa siyang guro sa isang pribadong paaralan dito sa Lipa.

Napakamot na lamang ako ng aking ulo sapagkat medyo kulang pa ang aking tulog.

So, kinuha ko ang aming lalagyan ng bigas at ang kaldero upang makapagsimula na sa pagsasaing. Naglagay ako ng tatlong gatang  na bigas na sakto lamang sa amin hanggang tanghali.

Lumabas na ako upang pumunta sa aming lutuan. Naku! Nakalimutan ko pa ang posporo sa loob ng kwarto.

Muli akong pumasok sa kwarto para hanapin ang posporo. Pagkatapos ay lumabas na uli ako at sinindihan ang isang palito ng posporo para sa kalan. Isinalang ko na ang kaldero na may lamang bigas nang sa gayon ay maluto na. Pagdaka ay pumasok ako sa kwarto upang makapagbasa.

Habang ako ay nasa kasarapang ng pagbabasa sa aking tinatapos na libro, parang may kung ano na kumabig sa aking balikat at nagsabing,”Yung sinaing mo!”

Lumabas ako upang silipin kung in-in na ang kanin. Laking gulat ko ng pagbukas ko ng kaldero.


“Shet!”, yun na lamang ang aking nasabi. Nasusunog! Hindi ang ang kanin, kundi ang mismong bigas! Nakalimutan ko palang hugasan ito at lagyan ng tubig. Nasa loob pa rin nito ang basong babasagin na ginagamit namin kapag magtatakal ng bigas.

 
Unti-unti namang umaamoy ang nasanog na “bigas”. Kakatapos lamang ng aking kapatid sa paliligo kaya ng lumabas siya ay nakita niya ang nangyari. “Yan! Anong ginawa mo?”  Hindi na ako nangatwiran dahil alam kong mali ako. Nakalimutan kong hugasan ang bigas.

Marahil ay dala ng antok kaya nakalimutan ko talaga ang paghuhugas ng bigas.

Napapailing na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang pagkasunog na iyon. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pero sa isang banda nagpapasalamat ako dahil sa pangyayaring may kung anong kumabig sa akin dahilan para i-check ko yung niuluto namin. At siyempre, alam kong iyon ay ang aking Anghel de la Guardia na laging nakabantay sa akin.

Napakahirap nga pala talagang maunugan. Kahit nawalan kami ng sinaing ng umagang iyon, wala kaming magawa kundi ang tanggapin ang nangyari at bumangon muli.. Pero sabi ko nga, matututo at matututo ka sa pangyayaring iyon. Ano iyon?

Huwag kalimutang lagyan ng tubig ang bigas kapag magsasaing!


No comments:

Post a Comment